Eto po ang Mga Dapat Itanong sa Sarili Bago Sumali Sa MLM
Ano ba ang dapat naten Tandaan at Tingnan bago tayo sumali sa mga MLM or Network Marketing Business?
1. May product or Services ba silang ibigay pag sumali ako sa business?
Ang isang legitimate na company ay dapat may produkto o kaya serbisyo na ibibigay sayo pag sumali ka sa kanila. Para kung di mo man gawin ang Business Part bawi ka pa din. Ayon sa DTI at SEC at least 73% ng investment mo ay babalik sayo as a product or service.
2. May value or halaga ba ang product na eto sa akin?
Karamihan sa atin sumasali sa mga ganitong business dahil sa kitaan lamang, kaya pag hindi sila kumita mag qquit sila at sasabihing scam ang isang company. Ang isang Business madaling palaguin kong inienjoy mo at alam mo ang gagawin. At alam mo ang gagawin kung ginagamit mo ang produkto.
3. Gusto kong gawin ang business pero ayaw ko naman na forever mag recruit para lang kumita ano kaya ang magandang salihan?
Ang mga company na dapat mong salihan ay yong may mga product na highly consumable tulad ng pagkain, gamot, supplement, load at iba pang product na ginagamit mo araw araw. At make sure na kasama sa compensation plan ng company na may commission ka sa bawat product na nacconsume ng mga costumers or recruits mo.
Pede ka rin sumali sa mga company na may monthly membership subscription lalo na online, gaya ng domain, hosting, autoresponder at iba pang online tools and services.. Make sure din na monthly ay may commissions ka sa bawat members na napasali mo or na recruit mo hindi one time lang dapat recurring or paulit ulit kang babayaran as long as active yong recruit mo..
Kung ganitong mga company ang sasalihan mo there will be a time na kahit tumigil ka sa pag rerecruit kikita ka pa din :D
4. Kasapi or myembro kaya eto ng mga malalaking organisasyon sa buong mundo or dito sa Pilipinas?
Dapat alamin mo din kung build up na ang reputation ng company na sasalihan mo. Karaniwan kasali or approved ng malalaking ahensya sa buong mundo dapat ang company na sasalihan mo. Tulad ng DSA, DSAP, HALAL, MLMIA at iba pa..
5. Ilang taon na ang company?
karamihan sa atin mas gusto naten sumali sa mga katatayo palang na company kasi for sure kung tayo ang nauna mas malaki ang kikitain naten..
Tama kikita ka ng malaki eh yong mga recruit mo? Pinerahan mo lang at sinira mo lang ang reputation mo..
Minsan dito tayo nabibiktima mostly companies na nasa 1-3 pa lang ay nasa testing or critical stage pa lang. Companies na tumagal ng 4 years pataas yan ang mga build up na na company at eto ang dapat nyong salihan.. Kung ang company ay sa una una lang kikita aba mag isip isip ka..
6. Higit sa lahat, Kaya ko kayang pag laanan ng panahon ang business na eto?
Pagsasali ka sa business na ganito wag mong isipin na kikita ka kaagad, build up mo muna.. wag ka kaagad umasa, pag laanan mo ng panahon at oras..
at least minimum of 2 hours a day and 4 times a week then work it out at least for 1 year.. for sure kung ang mga criteria na nasa taas ang company mo mag kakaresult ka din!
Kaya kung mag bbusiness ka at wala ka pang idea about Traditional business mag MLM ka na lang, kasi wala ka ng pproblemahin sa sistema at idea capital na lang problemahin mo.. para kang nag franchise ng business sa maliit na halaga.
Kaya ako po.. nag decide ako na sumali sa ganitong business..
Hindi naman ako ganun katagal sa ganitong business.. pero bawi na ako sa investments at may kita na din..
Kung naghahanap kayo ng opportunity na pwedeng gawin sa bahay pero malaki ang kitaan, bisitahin mo ito -->> HERE
Isa lang po ang masasabi ko.. MLM is not easy and not hard.
Rolando Reroma

