also called UNPROFESSIONAL ONES
Anu ba ito? Lahat ba ng networkers ganito?
Well hindi naman. May mga networkers kung magtrabaho ay payaman talaga pero meron namang katulad ng ilang mga opisyal natin sa gobyerno.
Eto isang halimbawa (base on my own experience) ng unprofessional moves: Itetext ka na interesado siya company mo tapos biglang pagnagkita kayo ikaw ang pepresentan or worst maghihintay ka ng ilang oras tapos darating sila, nangako marami daw sila na pepresentan mo, kakahintay mo nasacrifice na ang class mo sa school absent na tapos pagdating nila, marami nga sila PERO MAY GUEST PALA SILANG IBA at kasama ka sa guest nila para i-PRESENT ang COMPANY nila, parang reverse invite.
________________________________________
1. Bro, bukas may papasok sa akin mga leaders kaya kapag sumali ka ngayon lagay ko sila sa ilalim mo para banggain mo na lang(strong legging). Then pagPayin mo un pangakong spill over sayo napako na.
2. Magdown ka na ngayon, anong gamit ba ang pwedeng mong ibenta dyan samahan ka namin para isanla. (W.B.U.S.H.) (withdraw, benta, utang, sangla, hinge) Pero ang totoo wala naman talagang down payment sa pagsali sa networking. Masama pa roon kapag hindi mo napunuan ang down hindi mo na makukuha yung binitaw mong pera.
3. Bro alam mo dito sa company namin in 3 months time lang nakabili na ko ng kotse.
'Wag tayo papasilaw sa ganitong sistema dahil kumita lang idodown na ng kotse kaya kapag h ng kontiumina ang sales ng grupo ang kotseng hinuhulog hulugan hahatakin na ng bangko. OR karamihan sa mga nag sasabi ng ganito ay hiniram lang ang kotse o galing lang kay daddy ang kotse. Although some galing talaga sa katas ng networking ang car.
4. Bro dito sa company namin nag P30,000 per week na ko kaya if I were you, sasali na ko para matupad ang pangarap mo.
Always make your due diligence dahil yung P30,000 per week niya sinabi lang niya un pero ang totoo one time lang nangyari yun. Make sure ang grupong sasalihan mo ay may integrity and honesty. Dahil madalas yan ang bumabasag sa grupo. Para malaman mo kung totoong 30k per week siya buksan mo online business account niya dun mo malalaman kung totoo mga pinag sasabi niya sa income niya.
5. Bro akin na ang pera mo, ipayin na kita.
Kung kaya mo magpay-in directly sa office or magpay-in kasama upline mo or naginvite sayo gawin mo. Kung minsan kasi ung perang inabot natin natatakbo ng mga networker na scammers. Hindi ko naman sinasabi maghinala agad tayo sa upline\naginvite ang akin ay magingat lamang.
6. Bro magfull time ka na dito, iFocus mo ung business para payaman tayo.
Before you go full time, make sure that you have enough savings that you can live for about 3-6 months dahil doing network marketing is still business. You still need to shell out money for your operation. Don't do what some networkers do(leave work leave school for an unstable income), have a mindset of an entrepreneur. Dapat siguraduhin mo munang stable kang kumikita bago mo iwan work mo.
This is almost the same as "Kidnap". Although white lies is considered harmless but it can waste others time.
Sa Networking isa mga pinaka tinuturo sa atin ay maging POSITIBO. Pero tanung lang positibo ba ang pagsisinungaling? maliit man yan o malaki, white lies man yan, PAGSISINUNGALING parin yan. Gusto maging successful? Ang pagsisinungaling ba ay gawain ng isang successful na tao? MALAMANG HINDI.
Kung ikaw ay tulad ng ilan sa mga halimbawa dito hindi pa huli ang pagbabago. Magbago na tayo.
Rolando Reroma