Peb 4, 2014

Ano nga ba ang Ponzi Scheme?


Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nasisira ang Multi Level Marketing o Networking industry sa Pilipinas

____________

Magandang halimbawa ng Ponzi Scheme ay ang Aman Futures Group. Nangako sila ng 50% hanggang 80% "double or triple your money phrase" na pwedeng kitain ng investment sa loob lamang ng isang buwan. Sino ba naman ang ayaw tumubo ang pera sa loob ng ganyang kaigsing panahon? Kaya sa madaling salita marami ang nag-invest ng kanilang pera rito. Sa unang buwan maganda ang naging takbo ng illegal na negosyo, kaya mas bumilis ang pasok ng pera. Maganda rin pag payout ng sa mga tao at ang karamihan pa nga ay hindi muna kinuha pera nila at muli ininvest para lalong lumaki. Ngunit makaraan lamang ang ilang buwan nagsimula na ang mga "aliby" o pagdadahilan ng Aman Futures kung bakit nadedelay na ang pay-out nila at doon na nagsimula ang gulo. Nagtago ang president at founder na si Manuel Amalilio sa kadahilanang nakakatanggap siya ng threats. Umabot ng Php 12 billion o halos $300 million ang perang nascam sa mahigit kumulang 15,000 na nagsi-invest. Ilan sa mga naging resulta nito ay ang pagsugod ng mga tao sa mga opisina at major brokers ng Aman Futures. Nahuli naman noong nakaraang taon si Manuel Amalilio sa Malaysia. Sa ngayon muling bumabangon ang mga kababayan nating na loko nito.  

____________


Sa katunayan ang Ponzi Scheme ay isang uri ng "fraudulent investment" or scam na kadalasang nagaganap sa mga Multi Level Marketing companies or gumagamit sila ng concept ng multi level marketing upang maka recruit ng maraming investors. Ang scam na ito ay ang pagpangako sa mga tao ng malaking kita sa loob lamang ng maigsing panahon. Ang naturang operasyon nito ay ang pagbayad o pag pay-out sa mga kinita at kapital ng mga naunang investors mula sa ininvest o pinasok na pera ng mga sumunod na investors. Kadalasan ang mga inooffer na kitaan o interest dito ay higit na mataas sa normal at mabilis na pagkita o interest ng pera sa hindi maipaliwanag na paraan.  Kung tutuusin medyo madali lang naman makita kung Ponzi Scheme yang papasukan mong investment o hindi. Kung "Its too good to be true" yan mag-isip, manuri at kumunsulta muna sa mga eksperto para hindi magsisi.  Ang nakakalungot lang kasi satin maraming gusto yumaman agad-agad o kumita agad kaya maraming naloloko sa ganitong paraan. WALA PONG PERA ANG TUMUTUBO NG MALAKI WALANG GINAGAWA! Tandaan walang malaking kitaan na madali. Kung gusto mo kumita ng malaki hatawin mo, trabahuin mo, paghirapan mo.




Imbis na magtubong lugaw, nalusaw. . .

Tandaan kahit sa legal investments: Higher returns equals higher risks. Kalokohan ang 100% sure na tutubo ang investments.  

Rolando Reroma